Charice, walang ‘K’ magpaka-Hollywood sa ‘Pinas!

Itoy napulot ko lang sa blog ni Ogie Diaz: ALAM N’YO BA, ang daming nairitang local press nu’ng hindi nila mainterbyu si Charice Pempengco sa MOA Concert Grounds nu’ng ganapin dito ang 11th anniversary show ng produkto ni Joel Cruz.
Juice ko po, na-sight namin ‘yung mga bodyguard ni Charice na ikinalokah namin. Kung kelan siya nasa sarili niyang bayan, du’n maghihigpit?
“Ano ba’ yon? Para iparamdam sa atin na international star talaga siya?” sey ng aming friend.
Kung umaastang foreign artist ang dating, eh, dito sa ‘Pinas kasi, hindi “binibili” ‘yon, eh. Puwede naman sigurong isahang interview, tapos, babu na, pero para umastang foreign artist?
Saka ilan lang naman ‘yung naghabol. Hindi naman lahat ng press, si Charice ang inabangan doon para mainterbyu at makunan ng mga photographers.
Mas marami pa ngang naghanap kay John Lloyd Cruz, ‘no!

Ang pinoy nga naman talaga, kapag sikat tinitira. Kapag di sikat, tinitira pa rin.  Inggit lang tung bading na writer na to. Dahil sa mga ganitong tao hindi umaangat ang pinas. Oh my country the philippines buti pang magunaw ka na, tapos na ang 21 eh.