Mikee Cojuangco-Jaworski still enjoys acting

Marami ang nag-akala na babalik sa showbiz si Mikee Cojuangco-Jaworski matapos lumabas sa pelikulang You Changed My Life (2009) under Star Cinema at Viva Films; at sa GMA-7 fantasy-comedy series na Magic Palayok (2011).

Bagamat sandali lamang ang naging partisipasyon ni Mikee sa dalawang magkahiwalay na proyekto, marami ang nag-isip na baka dinadahan-dahan lang ng dating equestrienne ang kanyang showbiz comeback bago tuluyang gulatin ang publiko.

Kahapon, May 18, ay hindi na nakaiwas si Mikee sa tanong ng  reporters na dumalo sa relaunch ng The Sexy Chef na ginanap sa Filipinas Heritage Library sa Makati City.

Sabi niya, "Natagalan kasi kami sa mga usap-usap. Meron kasi akong upcoming na show din sa Channel 7, and nung nag-usap kami for a possible comeback sa Magic Palayok, medyo nagka-conflict na rin sa kabila.

"Excited nga ako dahil nung napag-usapan yung idea na bumalik ako, parang sabi namin, 'Bakit hindi ba natin naisip 'yon nung umpisa pa lang? Ngayon lang natin naisip yon.'

"Then, after a while, ayun, nag-usap, umupo, ganyan.

"Tapos siyempre, habang wala pa and may pumapasok na schedule sa akin, hindi ko naman masabi na, 'Ay, 'wag muna kasi may hinihintay pa ako.'"