Excited na si Sharon Cuneta sa nalalapit niyang Mega Up Close concert sa America itong darating na Hunyo.
Natutuwa siya dahil pagkakataon din daw ito upang maka-bonding niya ang grand winner ng dati niyang singing talent-search program na Star Power, si Angeline Quinto.
"She's very excited!" sabi ni Sharon. "I'm very excited kasi first time din niyang pumunta ng America."
Kitang-kita kung gaano naging malapit si Sharon sa mga naging finalists ng Star Power dahil lubos siyang natuwa nang makita niya sina Angeline, Akiko Solon, Krissel Valdez, K-La Rivera, at Monica Sakay sa cooking demonstrations niya para sa American Heritage. Ito ay ginanap sa SM Megamall Atrium, Mandaluyong City, noong Sabado, May 21.
"Matagal na kasi kaming hindi nagkita," pahayag ni Sharon. "Kasi, after the contest, yung nanalo, si Angeline, ang nakikita ko na lang... I saw them once noong nag-guest sila sa The Sharon Cuneta Specials.
"After a while, kanya-kanya na sila. Lahat sila mayroon ng mga TV series at musical careers."
Nagpasalamat din si Sharon dahil may pinagkakaabalahan na ang bawat isa ngayon.
Aniya, "I'm very happy that I've been given the blessing na maging part ng journey ng isa sa kanila.
"At saka para maging instrumento ang Star Power para sa mga batang ito. So, I'm very proud and very happy for them."